Wednesday, June 22, 2005

on today's adventure of sorts (proof that five-hour breaks come in handy sometimes)

Project head ako sa isang org sa school so pumunta kami kaning ng ilang blockmates ko sa PSE (Tektite, Ortigas). Pero wala rin kaming napala, so maaga kami natapos. Nag-taxi lang kami papunta, pero since kuripot yung treasurer ng org and dahil gusto rin naming makapunta ng Gateway (well, ako yung nagpasimuno kasi never pa ko nakapunta dun ;p), hindi na kami nag-taxi pabalik ng school.

So naglakad kami mula PSE hanggang lampas ng Mega Mall na napakalayo pala. SOOOBRANG init pa so pagod na kami by the time dumating kami sa may sakayan ng bus. Dapat sasakay kami ng MRT pero tinamad na silang umakyat ng overpass so bus na lang. Muntik na nga akong sumubsob kasi bigla na lang umandar yung bus! Hindi ba dapat may warning or something? Haha. Pinagtawanan na lang tuloy ako ng mga kasama ko. Ang hirap kaya mag-balance ng sarili sa bus no! Kahit nung pababa na kami, muntik na rin ulit akong sumubsob. NAKAKAHIYA hahahaha. Pero carry lang. ;p

Gateway na! Maliit nga lang and medyo upscale yung majority of the stores, pero maganda! Naaliw naman ako, halatang first time. Haha. Dapat kakain kami sa food court, pero nge sarado pa kahit 10:30 na. Hay naku, ewan ko kung may nagbabasa nito, aside from Alma so hindi ko alam kung tuloy pa yung mga Wednesday lunches pero sana OO! Ang ganda kaya ng Gateway, gusto ko bumalik. Hehe.

Nag-MRT kami pabalik at na-realize ko na hindi ako pwede mag-MRT mag-isa kasi maliligaw ako. Baka kung saan saan na ko makadating nang hindi oras no. :O Or baka ma-stuck ako sa MRT station kasi hindi ko alam kung saan lalabas and saan maghihintay ng train. Hahaha. Turuan niyo na lang ako sometime. :D Sayang at wala kaming napala sa Gateway kaya sa McDo Katipunan na lang kami napadpad. Pero okay lang din, at least hindi caf kung saan sobrang nakakasawa na ang pagkain at laging sobrang puno dahil sa mga freshmen na sobrang dami at walang ibang mapuntahan. Sobra no? Hahaha.

...

NEW URL: http://bluegang.blogspot.com. Para mas madaling tandaan. :D

Alma, balik ko na lang pala sa yo yung OTH & OC cds pag nakita kayo. Na hindi ko sure kung kelan.. haha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home